|
Post by meteorgal on Aug 14, 2003 8:58:39 GMT -5
Hi guys! Medyo may spare time ako so I wrote this fan fic...basically it involves F4 and a whole lotta people in Pex (you know who you are!) Hope you like it. ;D
|
|
|
Post by meteorgal on Aug 14, 2003 9:22:37 GMT -5
Episode One
May kumakalat na balita na may isang grupo ng mga babae na lilipat sa Ying De University nung araw na ding yon. Ang tawag sa kanila sa S5 o Sisters5. Apektado ang buong student body sa nalalapit na pagdating ng sinasabing grupo.
Student 1: Hay naku, ayoko ng mag PE. Magkuwentuhan na lang tayo. Narinig niyo ba, may bagong lipat na grupo ng mga babae dito sa university. Ang dinig ko ubod ng ganda yung mga babaeng ‘yon! Student 2: Oo nga eh. S5 ang tawag daw sa kanila. Sisters5. At balita pa, matatapang din daw sila at walang inuurungan. Siyempre, mayaman din sila tulad natin! Student 3: Aba dapat lang! Palagay niyo, sila na kaya ang pantapat sa F4?
Lingid sa kaalaman ng mga nag-uusap na estudyante, nasa likod lang pala nila ang F4. Narinig ng F4 (lalong-lalo na ng lider nilang si Dao Ming Si) ang pinaguusapan nila.
Dao Ming Si: Hoy! Anong pinagsasabi niyong ‘pantapat’ sa F4? (Sabay hila sa kuwelyo ni Student 3. Biglang tumakbo papalayo ang dalawang naiwang estudyante). Student 3: (nangangatog) Ah…kasi…may grupo daw ng mga babae…ang S5…mayaman, maganda… Xi Men: Maganda ba kamo? (Napangiti) Dao Ming Si: (kay Xi Men) hinihingi ko ba ang opinyon mo? Mei Zhuo: Ah Si, huminahon ka. Dao Ming Si: (bumalik ang atensyon kay Student 3). O tapos? Student 3: …ah…saka daw ubod ng tapang at walang kinakatakutan… Dao Ming Si: (humigpit ang hawak sa kuwelyo ni Student 3) Walang kinakatakutan…kalokohan! Hindi pa nila nakikilala ang F4. (bitaw sa Student 3) Umalis ka na sa harapan ko! Bilis! Student 3: (nagmamadaling tumakbo) Sorry Dao Ming Si… Dao Ming Si: Kung may magagawa ang sorry bat kailangan pa ng parak? Mei Zhuo: (akbay kay Dao Ming Si) Ikaw talaga, ang aga-aga ang init ng ulo mo. Relax. Xi Men: Basta ako, excited dahil magaganda daw yung S5 na yon. Dao Ming Si: Pagsisihan nila at napunta sila dito sa Ying De University! Lei, anong masasabi mo?
Itinaas ni Hua Ze Lei ang kanyang kamay at nag-okay sign, sabay biglang baliktad.
Dao Ming Si: Bahala ka nga. Basta, hindi ako makapapayag na…
Naputol ang pagsasalita ni Dao Ming Si dahil may natanaw silang paparating na pulang convertible. Nagpreno ito sa harapan ng F4. At may limang babaeng isa-isang bumaba. Si Kathleen Yan, ang lider ng S5; si Angel Zhou, ang tatahi-tahimik; si Claire Zhu, ang playgirl ng grupo; si Karen Wu, ang mapagbiro sa barkada; at si Francesca Yen, ang pinaka fashionista sa lima. Natulala ang F4 sa mga babaeng nakita, lalong-lalo na si Dao Ming Si. Totoo nga ang balita, ang gaganda nila, ang astig pa pumorma.
Patuloy sa paglalakad ang S5 hanggang sa nagkaharap sila ng F4 sa unang pagkakataon. Nagkaharap ang dalawang lider. Kath: (napakunot ang noo) Anong tinutunga-tunganga mo diyan? (tinutukoy si Ah Si) Tabi! (sabay tulak) Dao Ming Si: (nabigla sa asta ni kath) Ah…pasensya na, miss…
Nagulat ang F3 sa sinabi ni Dao Ming Si. Pero lalo silang nagulat sa isinagot ng lider ng S5 na si kath.
Kath: Kung may nagagawa ang pasensya, bat pa kailangan ng pulis? (sabay nagcross-arm) Sisters5, halika na nga. Kailangan pa nating kausapin ang principal. Malelate tayo dahil sa katangahan ng mga ‘yan. (lumakad papalayo na sinusundan ni Fran, Karen at Claire) Claire: Tsk tsk (sabay pat sa balikat ni Ah Si) Good luck na lang sa’yo… Fran: Akala ko ba exclusive school ang Ying De. Bakit ganyan manamit ang mga estudiyante...at ang hairstyle ha...(habang tinuturo ang pineapple hairdo at bandana ni Dao)
Sa pagkatulak ni kath kanina kay Dao Ming Si, nasanggi nito ang isang basket at nahulog ang mga lamang basketball. Nagpahuli si Angel at pinulot ang mga bolang nahulog at ibinalik sa basket.
Karen: Angel, ano ba ‘yan? Tara na!
Napamangha si Lei sa ginawa ni Angel...
Hua Ze Lei: (nag-iisip habang nakatingin kay Angel) Kakaiba ang Sisters5 na ‘yon…
Nailagay na ni Angel ang huling basketball. Nakaalis na ang Sisters5 pero tulala pa din si Dao Ming Si.
Xi Men: Ah Si? (waving his hand in front of Dao’s face) Okay ka lang? Mei Zhuo: Oo nga, may sakit ka ba? Kailan ka pa natutong magsorry? Dao Ming Si: (bumalik na sa dati) Hinihingi ko ba ang opinyon mo? Natawa ang F3 sa sinabi ni Dao Ming Si.
Dao Ming Si: Bat kayo tumatawa? Ang mga babaeng yon, kala mo kung sino! Hindi naman masyadong maganda. Ang yayabang pa! Palibhasa, birds of the same feather fly together! Xi Men: Fly together? Baka flock together! Natawa nanaman ang F3 sa sinabi ni Dao Ming Si.
Dao Ming Si: (naiirita na) Pareho na rin yon! Magsisisi ang Sisters5 na ‘yan at lumipat pa sila sa Ying De University. Mei Zhuo: Kanina mo pa sinasabi yan eh…(natatawa pa rin tulad ni Xi Men. Kahit si Lei hindi mapigilan ang ngiti) Dao Ming Si: Halika na nga, punta na tayo sa cafeteria. Nagugutom na ako! Humanda yang Sisters5 na ‘yan…
(to be continued...)
|
|
|
Post by meteorgal on Aug 16, 2003 8:49:54 GMT -5
Episode Two
Nung kinagabihan, nag-bibilliards si Xi Men a isang pub. Nagdadarts naman si Mei Zhuo habang si Lei ay nasa isang mesa, kumakain ng snacks. Pumasok si Dao Ming Si at nakipag-high five kina Lei at Mei Zhuo. Tinabihan ni Dao Ming Si si Lei.
Dao Ming Si: (nagtataka) Bakit ba tayo nandito? Mei Zhuo: (tumabi na kay DMS) Eh ikaw, bakit ganyan pa rin ang buhok mo? (sabay tawa ng malakas…napangiti din si Lei) Dao Ming Si: (nainis) Ano bang pakialam mo? Ganyan talaga ang buhok ko, wala ka ng magagawa! Mei Zhuo: Heto naman, nagbibiro lang...Sige na, suko na ako! (natatawa pa din) Dao Ming Si: Ang mabuti pa, pag-usapan na lang natin kung ano ang gagawin natin sa Suwanget5. Hua Ze Lei: (hindi interesado) Wala akong pakialam sa buhay ng ibang tao. Dao Ming Si: Ano pa ba ang inasahan ko, eh palagi ka namang ganyan. (tingin kay Mei Zhuo) Ikaw? Ano sa palagay mo? Mei Zhuo: Ah Si, aminin mo na, nakahanap ka na ng katapat mo. Tignan mo nga, ikaw ang natameme sa harap nila. Lalong-lalo na dun kay kath! Dao Ming Si: (pagalit) Tumigil ka nga! Makikita nang S5 na yan kung sino ang kinakalaban nila. Aba, hindi ba nila alam, ako ata si Dao Ming Si! Mei Zhuo: (nakangisi) Sinasabi ko sa’yo Ah Si, di mo kaya yang S5 na yan. Lalong-lalo na si kath! Dao Ming Si: Ewan ko sa’yo. Umorder ka na nga!
Tinawag ni Mei Zhuo yung waiter.
Mei Zhuo: Bigyan mo nga kami ng Steak a la carte. Waiter: Er..sir, ano po uli? Mei Zhuo: Bigyan mo nga kami ng (mas mabagal) Steak. A la. Carte. Waiter: (nagkamot ng ulo) Pasensya na po sir, wala kami nun dito. Dao Ming Si: Red wine na lang. Yung ’90 stock. Waiter: Ah…sir, pasensya na po, wala kaming red wine dito. Pakitignan na lang po yung menu. Dao Ming Si: (parang naasar) Inuutusan mo ba ako? Lumayas ka nga sa harapan ko!
Tumakbo papaalis yung waiter, takot na takot.
Dao Ming Si: Wala naman palang kuwentang pub ‘to eh! Ba’t ba kasi tayo nandito? Mei Zhuo: (tumturo sa billiard table) Si Xi Men. Nandito kasi yung bago niyang girlfriend. Dao Ming Si: Sus! (Biglang napatingin kay Lei. Nakatitig lang si Lei sa cellphone niya). Tawagan mo na kasi si Chin kaysa sa nagmumukha kang tanga diyan kakahintay ng tawag niya!
Walang reaksyon si Lei sa sinabi ni Dao Ming Si.
Mei Zhuo: Autistic ka talaga.
Biglang nagkaroon ng kaguluhan sa may billiard table kung san nandun si Xi Men, yung bago niyang girlfriend at tatlong kalalakihan.
Guy1: Hoy, hindi mo ba alam na girlfriend ko yan? Xi Men: (sabay akbay sa babae) Alam ko. Napagalaman ko naman na mabait ang boyfriend niya kaya hindi ko na kailangang magpaalam.
Lumapit na ang F3 sa billiard table.
Guy1: (galit) Di mo ba kilala kung sino ang kausap mo?
Lumipat sa unahan ni Xi Men si Dao Ming Si.
Dao Ming Si: Di mo ba kilala kung sino ako? (sabay sapak kay Guy1)
Nagkarumble-rumble na sa loob ng pub. Calmadong pumunta si Lei sa may bar at naglabas ng maraming-maraming pera.
Lei: (kausap ang manager) Para sa damages.
Tumayo na si Dao Ming Si at pinatunog ang leeg. Si Xi Men naman ay nagpagpag ng damit. Nilapitan niya yung girlfriend niya at sinabing tatawagan na lang niya ito.
Dao Ming Si: Sa susunod, kilalanin niyo kung sino ang kinakalaban niyo!
Lumabas na ang F2 sa pub. Si Lei naman, kumuha ng bote ng beer at pinukpok sa ulo ng lalaking sumasakal kay Mei Zhuo. Nakawala na si Mei Zhuo, nag-ayos ng buhok at sumabay na kay Lei sa paglabas sa pub.
*** Kakatapos lang ng klase ng S5. Papunta na sila sa kanilang locker.
Kath: Hoy frani, bilis bilisan mo naman maglakad! Fran: (nagfeface powder habang naglalakad) Bakit ka ba nagmamadali? Beauty takes time noh. Kailangan dahan-dahan pag nagreretouch ng make-up. Karen: Oo nga, dahan dahan lang...baka kasi masobrahan sa pulbo yung mukha ni fran, magmukha siyang espasol!
Natawa sina Kath at Angel sa sinabi ni Karen. Si Claire naman, oblivious sa pag-uusap. Busy kasi sa kakatext.
Fran: Inggit lang kayo! Palibhasa, ang oily ng mga mukha niyo! Kath: (di na pinansin si Fran) Claire, kanina ka pa diyan ha! Sino ba yan? Karen: Sino pa, eh di yung bago niyang boyfriend! Kath: Ano na ang nangyari dun sa isa? Claire: (nakangiti) Dinispatcha ko na. Ang mga lalaki, may expiration date – tatlong araw. Karen: Alammo, hindi lahat ng babae, naniniwala sa kasabihan mo Claire.
Napangiti lang si Claire at nagpatuloy sa pagtetext.
Fran: (Patuloy pa din sa pagfeface powder) Angel, tahimik ka diyan? Tinawagan ka na ba ni Xiao Chen? ( Si Xiao Chen ang childhood friend ng s5 at first love ni Angel. Matanda siya ng tatlong taon kaysa sa S5)
Patuloy pa din sa paglalakad si Angel, parang walang narinig at malalim ang iniisip.
Karen: Kailan ba hindi naging tahimik yan si Angel. Halika na nga, kunin na natin yung mga gamit natin sa locker, mahuli pa tayo sa susunod na klase natin!
Pagbukas ng S5 sa kani-kanilang locker, may nakasabit na red card dito na may mga salitang “You’ll Be Dead”.
Kath: (nakakunot ang noo sabay hablot ng red card) Ano ba namn yan! Sino ang naglalagay ng kalat sa locker ko!?! (sabay hagis sa red card) Kainis!
Nakita ng mga estudyante ang hinagis na red card ni kath.
Mga estudyante: (nagbubulungan) Ang S5, na-red tag ng F4…
(to be continued…)
|
|
|
Post by meteorgal on Sept 1, 2003 3:35:59 GMT -5
Episode Three
Nasa canteen ang F4. Si Lei ay tulala pa rin sa kawalan. SI Xi Men naman ay busy sa cellphone, kausap yung bago niyang girlfriend. Si Dao Ming Si naman ay nakangiti na para bang may sikreto. Nanguusisa naman si Mei Zhuo kay Ah Si.
Mei Zhuo: Kanina ka pa nakangiti diyan ha? Dao Ming Si: (with a smug look on his face) Wala. Mei Zhuo: Pwede ba yon? Ano ka, nababaliw? (natawa) Dao Ming Si: Matawa ka hanggang gusto mo. Basta ako, may alam. Xi Men, ano ba yan. Kanina ka pa diyan ha!
Sumensyas si Xi Men na huwag siyang pakialaman at patuloy pa din sa pakikipagusap sa cellphone.
Mei Zhuo: Lei, may alam ka ba sa mga plano ni Ah Si? Lei: (after a long moment) Wala. Dao Ming Si: Buti naman nagsalita ka na. Malalaman niyo din kung ano ‘yon sa…
Biglang may papalakas na papalakas na ingay. Parang may takbuhan.
Xi Men: (sa cellphone) Arianne, tawagan na lang uli kita. (sa f3) Ano yung ingay na ‘yon?
Laloong lumalakas ang ingay, hanggang sa rinig na ang hiyawan ng mga estudyante…
Student1: Dali, habulin niyo ang s5!!! Student2: Hindi sila pwdeng makaligtas sa atin!!! Student3: Saan sila nagpunta? Student4: Hayun sila! Bilisan niyo!!
Napatingin sina Mei Zhuo at Xi Men kay Dao Ming Si. Pa-innocent effect pa ang itsura ni Dao Ming Si.
Mei Zhuo: (accusing tone)…aha, nilagyan mo ng red card ang locker ng s5 no? Dao Ming Si: Bakit, may problema? Xi Men: Bakit mo naman binigyan ng red card ang s5? Ang gaganda pa naman nung mga yun…parang hindi tama na mabugbog sila Dao Ming Si: Kasalanan nila! Hinamon nila ako. (tumahimik sandali) Ano na kaya ang nangyari? Siguro, nakahandusay na yon sa sahig at nagmamakaawa. (sabay ngiti) Halika, tignan natin.
Lumabas ang F4 galing sa canteen. Kumpol-kumpol ang mga estudyante sa labas, nagwawala, ang iingay. Biglang tumahimik ng makita ng F4 at nahati ang student body sa dalawa, par bang nung hinati ni Moses ang Red Sea. Naglakad ang F4 at nakita ng S5 nakalugmok sa sahig.
Dao Ming Si: (nakangisi) Sa susunod, kilala niyo ang kakalabanin niyo!
Tumayo ang s5 at unting-unting pinagpag ang sarili. Sabay sabay nilang hinarap ang F4. Kath: (tumayo) anong kakalabanin ang pinagsasabi mo diyan!?! Ikaw ba ang may kagagawan nito!?!! Dao Ming Si: Oo! Bakit, may reklamo ka!?! Kath: Eh walang h…(sasapakin na sana si Dao, pinigilan lang ni karen at claire) Karen: Mag hulos dili ka nga kath! Kath: Walang hiya kasi tong mga Piggy four na ‘to!
May papalapit na limang lalaki kina Kath, Claire, Karen, Fran at Angel tila bang may masamang balak.
Kath: O kayo, ano nanaman ang problema nyo!?! Student5: (tila bang nasindak sa boses ni Kath) Ah…eh…magpapaautograph lang sana kami ng barkada sa inyo… Fran: So ibig niyong sabihin nasira ang french manicure ko dahil sa gusto niyo lang magpapirma sa amin!?! Claire: Sus, yun lang pala…hindi niyo naman kailangan kaming habulin at itulak eh. Kath: Oo nga, all you have to do is ask wisely. Karen: Nicely, kath, hindi wisely (sabay tawa)
Natawa din sina Claire, Fran at Angel sa sinabi ni Kathleen. Nagulat naman sina Lei, Mei Zhuo at Xi Men.
Xi Men: (pabulong kay Mei Zhuo) parehong-pareho sila ng ugali ni Ah Si. Mei Zhuo: Hindi lang sa ugali ka mo...pati magsalita! Kath: (tila bang naasar kay Karen) Eh ganun na din yon. (Kinuha ang papel ni Student 5 at pumirma) O yan, okay na ba yan sa’yo? Sino pang magpapaautograph? Bilisan niyo, limitado ang pasensiya ko! Dahil sa inyo, malelate tuloy kami sa klase.
Lalong nagkagulo ang mga lalaking estudyante ng Ying De. Nagkatinginan ang F4.
Dao Ming Si: (Nagiisip) Autograph?!!? (pasigaw) Hoy! Anong kalokohan ang pinaggagagawa niyo!? May red tag ang s5!!!! Hindi yan ang dapat na nangyayari sa kanila!!
Pero walang pumansin kay Dao Ming Si. Patuloy pa rin sa paghihingi ng autograph ang mga estudyante sa S5.
Dao Ming Si: Tigilan niyo na nga ‘to! (Sabay hablot sa braso ni Angel) Angel: (sa mahinahong paraan) Tanggalin mo ang kamay mo sa braso ko. Hua Ze Lei at Kath: BITIWAN MO SIYA!!!
Nagulat sina Dao Ming Si, Mei Zhuo at Xi Men sa biglang sigaw ni Lei.
Dao Ming Si: (nakakapit pa din sa braso ni Angel) Huwag kang makialam! Hua Ze Lei: (pagalit) Kinokontrol mo ba ako? Dao Ming Si: Sige. Ganon pala. (Bitaw sa braso ni Angel) Hua Ze Lei, mula ngayon, hindi na tayo magkaibigan! Tara na! (sabi kay Xi Men at Mei Zhuo sabay umalis) Mei Zhuo: (sumusunod kay DMS) Ah Si, pagusapan naman natin ‘to... Xi Men: Oo nga naman, si Lei na ang involved…
Tumingin lang si Lei sa papalayong F3. Pagkaalis nila, nilapitan niya si Angel. Hua Ze Lei: Okay ka lang ba? Angel: Hindi mo na dapat ginawa yon. (Monotonous pa din ang boses) Kath: (Pumwesto sa pagitan ni Angel at Lei) Ano pa ang ginagawa mo dito? Makakaalis ka na.
Lumayo na si Lei sa S5. Nagkagulo nanaman ang student body sa mga panibagong pangyayari.
Student6: Nagkagalit sina Dao Ming Si at Hua Ze Lei dahil lamang sa isang grupo ng mga babae! Student7: Ano na ang mangyayari sa F4?
(to be continued…)
|
|
|
Post by ShadowBoxer on Nov 18, 2003 13:50:29 GMT -5
Mwehehe!!! Ngayon ko lang ulit nabasa 'to, Angeli!!! Naalala ko ang nakaraan namin ni Mei Zhuo, harhar! Kahit na loyal ako talaga kay Ah Si, okei lang na kay Mei Zhuo muna ako napadpad... Tutuhugin ko na lang sila, LOL! Di ako makapag-PEX... topak tong laptop ng daddy ko, shemaks!
|
|