|
Post by mykenzhu on Aug 13, 2003 1:04:29 GMT -5
hi guys... remember the hua ze lei pian that i wrote last aug.2 sa pex??? hehehe, am posting it here on may's board para may remembrance tayo... as iv'e said there, sayang walang Meteor Rain episode si Hua Ze Lei. siguradong nakakainlab din yun. baka kwento nila ni Teng Tang Jing yun or kung pano nawala pagiging autistic nya...hehehe
|
|
|
Post by mykenzhu on Aug 13, 2003 1:06:06 GMT -5
Chapter 1 - Lei's Moment Naglalakad si Hua Za Lei sa daan, hinahanap si Jing dahil nalulungkot ito. Ngunit, habang sya ay naglalalakad, may nakita syang isang nakakabighaning babae. Ang pangalan nya ay Meteor Gal. Nagkakilala sila at naging magkaibigan.
Lumipas ang ilang araw, nagpakita si Jing kay Lei. Sinabi nito na pupunta sya ng France para mag-aral. Pumayag naman si Lei dahil hangad nito ang kaligayahan ni Jing. Nagkita ang F4 sa airport para ihatid si Jing. Malungkot si Lei.
Nagpunta sya sa McDo para mag-emote. Malungkot pa rin ito habang kumakain ng fried chicken favorite nya. Pero umaliwalas ang mukha nya ng makita si Meteor Gal, nasa counter at may kasamang mga kaibigan na sina Kagomesi, MyKenZhu at Karenski. Ang tawag sa kanila ay Babes4.
Ipinakilala ni meteor gal ang 3 babae kay Lei. Tamang tama naman na dumating ang F3 para kumain din sa McDo. Sa may pintuan pa lang, malakas ng talaga ang impact ng F3. kaya naman hindi magkanda-ugaga ang staff ng McDo sa pgkuha sa order nila.
Habang nagbabayad si Ah Sz sa counter, napalingon si Mei Zhou sa kina-uupuan ni Lei. Ngunit, ibang mukha ang nasilayan nya. Akala nya ay nakita nya si Ai Sha, yun pala ay si Karenski. Tumabi agad si Mei Zhou kay Karen at nagkwentuhan sila.
Wala namang kamalay-malay si myKenZhu na matagal na pala syang tinittigan ni XiMen. Napansin ito ni Kagomesi at siniko nya ito. Sabi ni kagomesi: "Nakatingin sa to si Ximen, ingat ka, baka mabiktima ka nya, alam mo naman na kilalang playboy yan." Napangiti si myKenZhu. Nakita ito ni Ximen at napangiti rin. Nagtabi ang dalawa.
Si Ah Sz naman, hindi pa rin tapos sa pagbabayad ng mga inorder nila dahil mali-mali ang naibigay ng nagsisilbi ng foods. Uminit ang ulo ni Ah Sz at napasigaw. Napalingon si kagomesi sa counter at lumapit ito. Nakatalikod si Dao Ming Sz, pero pinangaralan nya ito napag-uusapan sa mahinahong paraan ang mga bagay-bagay. Medyo npikon si Ah Sz pero natahimik na lang. Pagkatapos ay lumingon ito at natulala. Hindi nya akalain na si Kagomesi ay isa palang napakagandang babae. Humingi ito ng paumanhin at nagtungo sila sa kinauupuan ng F4 at ng mga Babes4.
Masayang nagkwentuhan at kumain ng fried chicken, spaghetti, choco sundae, at QuarterPounder ang walong nilalang. ...
to be continued..
|
|
|
Post by mykenzhu on Aug 13, 2003 1:07:31 GMT -5
Chapter 2.... Lumipas ang isang linggo. Isang araw, magkasama sa isang book shop sina Lei at Meteor Gal. Tumunog ang cellphone at nakatanggap ng text si lei galing kay Jing. Sinabi nya na uuwi ito sa susunod na linggo dahil nami-miss nya ito. Tuwang tuwa si Lei, kaya't kinwento nya ito kay meteor Gal. Nalungkot naman si Meteor Gal sa narinig. Pero hindi nya ito pinahalata kay Lei.
Nkipagkita si Meteor Gal sa isa pa nyang kaibigan na si kath001 para maibuhos nya ang kanyang nararamdaman. Dinamayan naman sya nito. Nagpunta sila sa canteen para ipagpatuloy ang knilang usapan ng masalubong sila ni Lei. Pero umiwas si Meteor Gal. Nagmamadaling tumakbo, kasunod si Kath001.
Sa mga oras na iyon ay nasa isang restaurant sina mykenZhu at Ximen, nag-aaway. Umiiyak si myKenzhu dahil nakikpagkalas na si Ximen. Sinabi nito na tapos na ang isang lingoo kaya kelangan na nilang malimutan ang isa't isa. Hindi ito matanggap ni Mykenzhu kaya minabuti nyang lumabas ng restaurant. Dun ay nagkasalubong sila ni Meteor Gal at humahangos na lumayo sa lugar na iyon.
Nasa park naman sina Mei Zhou at karenski. Nagkaroon din sila ng lover's quarrel dahin nakita ni karenski ang picture nila ni Ai Sha ng mahulog ito sa wallet nya. Umiiyak si Karenski at sinabi nyang gusto nya munang makipag-cool off para makapagisip si Mei Zhou kung sino ang gusto nya talaga, si karenski o si ai sha.
Sumakay sa knyang sasakyan si Karenski at umalis. Nakita naman nya si kagomesi na lumalayo kay Ah Sz. Nag-away din pala ang 2 ito dahil nalaman ni kagomesi na dumating si Dao Ming Fong at inutusan nya si Ah Sz na wag makipagmabutihan kay kagomesi. Kung ipagpapatuloy ni Ah Sz ang relasyuon nya kay kagomesi, tatanggalan daw sya nito ng mana at hindi na ituturing na anak. Naintindihan ni kagomesi ang mga pangyayari, at dahil mahal nya si Ah Sz, minabuti na lang nito na magparaya. Mabuti na lang at nakita nya si karenski at nakisakaya na lang ito at lumayo sila.
Nagkita ang Babes4 sa McDo, kung saan nila unang nkilala ang F4. Lahat sila ay malungkot. napangiti na lang sila ng dumating si kath001 at nagkwento ng mga masasayang bagay. Ngunit, lingid sa kaalaman ng lahat, nasa labas pala si Hua Ze Lei. may dalang payong at bulaklak, umaasa na makuha nya ang atensyon ng Babes4 lalo na si Meteor Gal. Pero bigo sya dahil hindi sya nakita ng mga ito. Kaya minabuti niton umalis.
Nang lumabas si Kath001, nakita nya sina Ah Sz, Mei Zhou at Ximen, parang may hinahanap. Nilapatan nya ang mga ito. NAgkwento naman ang F3 sa knya.
Sabi ni Ah Sz, "Binablackmail ako ng aking mama. Kung hindi ko lalayuan si kagomesi, mawawalang ako ng mana at ina. Hindi mahalaga sa kin yun. Sabihin mo kay kagomesi na magkita kmi mamayang gabi sa terrace ng bahay nila at magtatanan kami."
Sabi naman ni Mei Zhou, "Nakalimutan ko na si Ai Sha, pero mahalaga ito sa akin. Pkisabi ito kay karenski para maliwanagan sya. At sana ay makipagkita sya sa kin sa VS mamayang gabi para mag-usap kami. "
At sabi naman ni Ximen, "Malungkot ako dahil kelangan naming maghiwalay ni mykenzhu. Pero sana, malaman nya na may pitak sya sa king puso. Umaasa ako na kami ay magiging tunay na magkaibigan. Pakisabi din na ako ay aalis na papuntang Singapore. Sana, pagbalik ako after 2 months, makita ko sya at magkaayos kami."
na-overwhelmed si kath001 sa narinig na confessions ng F3. Bumalik sya sa McDo at sinabi nya ang mga pinagbilin ng 3 lalaki. Kahit paano ay lumiwanag ang mukha nina mykenzhu, karenski at kagomesi. Nagpaalam ang tatlo at nagsi-uwi sa kni-knilang bahay para makapag-isip.
Naiwan sina kath001 at meteor gal at nag-usap. Ngunit napatingin si meteor gal sa may salaming bintana at nakita si Hua Ze Lei. Nakangiti ito. Biglang pumatak ang ulan. Dali-daling lumabas si meteor gal at pinupog ng halik si Lei. Nagtapat si lei na mahal sya nito at kapatid na lamang ang turing nya kay Jing. Napakasaya ni Meteor Gal sa narinig. Sa wakas ay nagkatotoo ang pangarap nyang makapiling si Lei.
Umiiyak naman si kath001 sa nakita nya. Tears of joy ang kahulugan ng kanyang mga luha. natutuwa sya dahil sa maikling panahon ay natulungan nya ang F4 at Babes4. Sa di kalayuan, nakatitig naman sa kanya ang isang lalaki na matagal ng may gusto sa knya at ito ay walang iba kundi si ... Ah Xe... ang kakambal ni Dao Ming Sz..
The end...
|
|
|
Post by mykenzhu on Aug 13, 2003 1:09:55 GMT -5
Ngunit, lingid sa kaalaman ng lahat, nasa labas pala si Hua Ze Lei. may dalang payong at bulaklak, umaasa na makuha nya ang atensyon ng Babes4 lalo na si Meteor Gal. eto yung itsura ni Lei scene na yun..
|
|
|
Post by meteorgal on Aug 13, 2003 8:31:43 GMT -5
Yipee! siyempre kinilig nanaman ako all over! Thanks sis! Mwah!
|
|